Tuesday, January 11, 2005
PATCHI ZERON

Patchi Zeron
by Francis Aguilar

Zeron Zeron sinta
buko ang PERMANA
Sablay Sablay BUSLAW
Pahamak PRINACT niya
Nabali ang sanga
kasama AGRECON
Kapos kapalaran
Magshift nalang sa iba.....

LEGEND:
PERMANA = Personel Management
BUSLAW = Business law
PRINACT = Principles of Accounting
AGRECON = nakalimutan ko basta Macro Economics&lt

Question
Ano ibig sabihin nang Zeron?

Posted at 07:12 pm by IPV_XIII
Make a comment  

Tuesday, November 02, 2004
ANG BLANGKONG PAPEL

kung minsan nag-iisip ako kung ano ang gagawin ko sa isang blangkong papel at ang nagtataeng bolpen, habang nagtetest sa isang partikular at di kanaisnais na subject.

kung ginamit ko lang ang lapis hiniritan ako na bolpen lang pwede sa test papers na ang nilalaman ay puro multiple guess lang, di ko alam kung bakit ganito ang pananaw ng edukasyon kung bakit inaasa nalang ang midterms at finals sa isang papel na nilagyan pa ng batas na kinakailangang bolpen ang gamitin.

Ano nga ba ang ontological pragmatism ng isang eskwelahan o unibersidad ng isang kolehiyo kung inaasa lang ito sa written test papers? may kabuluhan ba ang isang blangkong papel na nilalaman ay puro multiple guess? ano ang saysay nito sa buhay natin? nasaan ang reality? pwede bang isali ang critical thingking and open minded sa isang particular na bagay na ito?

kung ganito ang systema ng edukasyon natin na parang highschool, ibig ba sabihin nito ay karapat dapat nga bang maging mababa ang edukasyon natin na imbis na mapunta tayo sa ibang lebel downgraded naman tayo? social downwardinism, wika nga.


 


 

 


Posted at 06:57 pm by IPV_XIII
Make a comment  

Tuesday, September 28, 2004
Online enlistment

Enlistment and Enrolment

Sa isang paaralan, sigurado akong naranasan mo nang pumila ng mahaba at ikut-ikutin ang iyong mga mata para makahanap ng isang schedule. Maraming tao, maraming mga guhit-guhit na isinulat sa mga schedule (free sction kung tatawagin) may panglan ng kung sino man, may mga ginuhit ng linya para sa palatandaan at para sa mga malabo ang mata na siguro hindi na makita, ginamit nalang ang red parker para ito’y makita (kung tutuosin iba na ang usapan kung color blind ka) at mayroon pang vandal na nakasulat na “I love you Anna” sa isang papel, sa may gilid, at sa kahuli-hulian, maliit lang ang sulat siguro kasing liit lang nito….

è I LOVE YOU ANNA

Nang matapos na ang paghahanap ng schedule, pupunta ka sa registar o sa accounting, pila uli ng mahaba, sa iisang bintana, para I-approve ang iyong.. (anong tawag uli yun) papel? Form? Paper? Schedule form? Enlistment form? Enrollment from? Ewan ko basta maraming panglan, at kung hindi ka ba naman maaasar, iisa lang ang deadline, kaya kung nahuli ka talagang mamamatay ka (mayroon naman iba dyan na walang paki-alam) at kung hindi ka ba naman minamalas close ang registrar kapag lunch time at recces, kung mahaba ang pila, kung sobrang haba talaga, may karapatan silang putulin ang linya at sasabihing “bukas ka nalang pumila” at kung hindi lang matalas ang tenga ko, mayroon pang isa pang hirit, “at bumayad ka ng 2500 para sa late enrolment fee”.


ONLINE ENLISTMENT AND ONLINE ENROLLMENT

Okey maganda ito hi-tech, dahil naman na ito ay tinatawag na computer school, kailangan siguro I-improve natin ang facility ng paaralan, dahil sa problema, katulad ng walang kamatayang pagtangal sa pila at sa immortal na mahaba ang pila, siguro naisip na rin ng paaralan na gumawa ng Online at nabigyan ng idea tungkol sa internet. At dito nabuhay ang Online Enlistment at Online Enrollment (applause).

Ngayon paano ito gagamitin? Una sa lahat gumawa ng account “together with your username and password”, isagot lahat ng mga tanong katulad ng “when is your birthday” at patulan na rin yung tanong, kung ano ang pangalan ng iyong aso, yan ang isang halimbawa ng magpipili ka ng isang tanong at isasagot mo ito ng iyong tinatawag na “secret answer”, na karamihan ay paboritong sagutin at hulaan ng mga Hackers. Tapos maghintay ng isang linggo. Tapos tantararan ! mayroon ka nang account sa friendster esteh!! Online account sa paaralan na pwede mong ma-access kahit saan, kahit kailan. Maaasahan.


THE DISADVANTAGES OF O.E

Maganda na sana ang O.E, dahil mabilis na hindi ka na pipila ng mahaba, kahit kailan pwede mo ito magamit, kahit saan mo pwede gamitin, at siempre maaasahan. Pero dumating ng panahon na mapalitan ng maasahan sa maaangasan.

Ano nangyari? Yan ang tanong ko.

Kung sa halip na sinabi kong “mabilis na hindi ka na pipila ng mahaba”, napalitan naman ito sa mabagal, magulo at agawan ng computer (The Trip Through Jerusalem part II).

Kung sinabi kong “kahit kailan pwede mo ito magamit” napalitan naman ito sa “kahit anong oras makakakita ka ng error sa screen ng iyong laptop o computer” kung hindi error “server is busy” o “unable to find server” (sa ibaba).

At sa halip na sinabi kong kahit saan mo pwedeng gamitin, napalitan naman ito sa, kahit saan ka pumunta, kahit saan ka maghanap ng computer, nandyaan ang “hang” at “lag” sa computer.

Kaya ano ang nagyari sa maaasahan? Ito ay naging maaangasan.

Posted at 01:39 am by IPV_XIII
Make a comment  

Sunday, September 26, 2004
MGA iba't ibang klase ng istudyante

Sa isang klase maraming mga grupong istudyante, mapa-babae at mapalalake, pero iisa lang ang loner sa isang klase, siya ang tinatawag na “the one can live alone” (ako yun).

 

Cool-dudes – mga lalakeng gwaping palaging nagsusuot ng shades kahit na madilim at umuulan, puro hairgel ang utak, daig pa ang anime pagdating sa style na kasuotan at pati na rin ang hairstyle. Mahilig sa rap at feeling american. Minsan din nagsusuot ng jacket kahit na mainit, Pero magiging cold-hearted pagdating sa lesson.

 

Hot-babes – counter part ng cool-dudes. Mga kababaihang, crush ng bayan, paborito nila suotin ang hi-heel na sapatos o sandal, kahit na matangkad na sila. Mga official model ng klase, hayop sa ganda, karamihan ay puro mapuputi ang itsura, mestiza at puro 6.5 - 7 ft tall ang kanilang height  (dahilan sa hi-heel) , magaling sa fashion na palaging nag-papauso. Mainitin palagi ang ulo pag sila ay bumabagsak sa isang subject, pero lalamig din pagdating sa chikahan.

 

Rich-People – mga istudyanteng tipong mayayaman, halos lahat ay nasa kanya na, may sariling kotse, may mamahaling cellphone at may baon pang P25,000.00 araw-araw. Magaling sa subject na business at management, pero sablay sila pagdating sa accounting at survival naman sa ibang alanganing subject.

 

The Unknowns – mga grupo/istudyanteng makikilala mo lang sa mukha, palaging nasa likod ng seat plan, palaging present, tahimik, pero hindi madalas makita sa klase at minsan tuluyan nang nakalimutan ang pangalan.

 

Gangsters – madalas kayumanggi ang kulay, pero masnakakarami ang maiitim. Mukhang siga, di nauubusan ng kwento, mahilig sa basag-ulo, palaging balbal ang salita at na-master na rin ang “the art of mura”. Iisa lang ang matino at matalino pero masnakakarami ang maliliit na utak.

 

Scholar – respeto ng klase, matalino, maraming mga records, top-nocher ng klase at sila ang palaging nakakakuha ng high scores at highest grade. Halos lahat kaya niyang ipasa at kaya nilang sagutan, pero bagsak sila kapag Debate na ang pinag-uusapan.

 

Owls-eye – champion sa boso, mula sa dibdib ng hot-babes hanggang sa test papers ng Scholar. Madalas at mahilig mangopya at magpakopya. Mapa-telescope at matalas ang kanilang mga mata  at Teacher’s enemy dahilan sa palaging lumilingon at dahilan din na magaling din sila sa pandarayang mangopya. Walang kasing magkakapal ng mukha sa balat ng buhaya.

 

Black hole – istudyanteng hindi nagdadala ng kahit ano sa klase, mapa bolpen hanggang notebook. Official parasite ng klase, mahilig humiram at mahilig humingi ng papel at madalas mangutang. Pero kung pinahiram mo ng kahit anong gamit ng isang istudyanteng black-hole, wag ka nang umasa na babalik pa sa iyo ang nahiram na gamit, maslalo na ang pera.

 

Anonymous – matalino na sana pero sablay sila pagdating sa written exams, mataas ang grade pagdating sa recitation at essay exams, champion sa debate, multi-talented, bunso sa klase, may sariling pinaniniwalaan at may balak pang ipublish ang kanilang kwento.

 

Game-pro – mga istudyanteng hindi pa nag-sawang maglaro ng computer. Kadalasan ay mababa palagi ang grade dahil sa kaka-absent niya sa paaralan, mahirap hanapin pero madali siyang ibagsak ng guro.

 

Long hairs – sila ay yung mga grupong kalalakihang na tuluyang nagpahaba na ng buhok na walang dahilan. Sabi nila, college style daw ang pagpapahaba ng buhok. Kadalasan napagkakamalan silang mga babae at karamihan napagkakamalan sila na galing sila sa dekada 60.

 

 

Commedian - mga mahilig at naging buhay na nila ang magpatawa. Dalawa ang klase ng Commedian, Jokers at Clowns. Yung Clowns yung mga matatalinong istudyante na mahilig gumawa ng patawa sa mga lesson ng teachers, na karamihan ay may reality based at hindi masyadong nakakatawa kapag hindi mo talagang maintindihan.

Ang Jokers naman, sila yung may attention deficiency syndromes, ito yung mga grupong kasing ugali ni Boy-siga madalas kulang sa pansin at lahat ng mga patawa ay tipong mga 100% kalokohan na nakaka-asar, nakaka-pikon at puro ka-pilosophan, na madalas ikinagagalit ng mga guro at dahilan din kaya nagkakagulo ang mga klase.

 

IPV XIII’s – eto, isang istudyante na palaging nagdadala ng malaking bag, halos lagi-lagi rin nagbabaon ng 5 mabibigat na textbook araw-araw. Minsan din napagkakamalang honor students marahil siguro sa palaging humihiram ng libro sa library

 

 

Maaaring pwede mag-maghalo mga grupo, maari din na mayroon ding katangiang kombinasyon ng mga grupong nabanggit. Pero may possibilidad din na hindi ito nakikita sa isang paaralan.

 


Posted at 08:15 pm by IPV_XIII
Make a comment  

Monday, September 13, 2004
SKULS (unpublishable)

 

- Hmmm...  Anong skul kaya ng author nito?

                                MAHIRAP LAHAT
                            Sa UP, mahirap ang Math.
                       Sa Ateneo, mahirap ang English.
                      Sa La Salle, mahirap ang parking.
                   Sa Assumption, mahirap ang walang pera.
                      Sa UST, mahirap umuwi kapag baha.
                    Sa St. Scho, mahirap sumakay sa LRT
                    Sa San Beda, mahirap maging lalaki.


                           WHERE TO GO TO COLLEGE?
         If you have a lot of brains and a little money, go to UP.
            If you have some brains and some money, go to Ateneo.
      If you have no brains and lots of money, go go La Salle.
             If you have no money, go to PUP.


                              CHRISTMAS SPIRIT
A  few days before Christmas, the Monsignor thought it would
be a good idea  if he solicited the support of a number of schools to
get together to create  a  Nativity  Scene  in time for the Christmas Mass. The day before Christmas,  the  Monsignor  discovered that  the
Nativity Scene was still incomplete  so he made a few inquiries on why this was so.
                 Ateneo reported it  could  come up with
                    only two and not three wise men.
                La Salle reported it  could not come up
                      with even a single wise man.
               Maryknoll reported that it  could not come
                     up with even a single virgin.
              San Beda reported that it could  only come up
                        with three wise gays.
            UP reported that they killed the three wise men.


                            QUESTION AND ANSWER
Q: What should an Atenean do when a La Sallite hurls a grenade
at him?
A:  The Atenean should pick up the grenade, pull the firing
pin and hurl it back at the La Sallite.

Q: How do La Sallites count to ten?
A: One, two, three, another, another, and another.


                          PASIKATAN NG GRADWEYTS
UP:  A  number of past Philippine presidents graduated from UP.
Presidents Roxas, Quirino, Laurel, Garcia and Marcos, to name
just a few!

ATENEO:  Hah!  That's nothing, a number of Ateneo graduates
became national heroes like Jose Rizal, Gen. Gregorio del Pilar, Gen. Antonio Luna, Evelio Javier and many others.

UP:  That  just  goes  to show you, UP graduates become presidents
and lead countries while Atenean end up getting shot!

LA SALLE: Wala 'yan. Talo kayo sa mga gradweyt namin!

UP & ATENEO: Bakit sino ba ang mga graduates ninyo?

LA  SALLE:  Aba!  Marami  kaming  sikat  na  gradweyts; si
Gary Valenciano, Dingdong Avanzado, Ogie Alcasid, Monsour del Rosario . .


                   HOW TO IDENTIFY A LA SALLITE
A  La  Sallite  walks  into a store in Mega Mall and says:
"Miss, I'd like  a  green  parrot, please."
The salesgirl looks at him and asks:
"Sir, are  you a La Sallite, by any chance?"
The La Sallite replies:
"O... bakit mo  naman  natanong  'yan?  If I ordered BLUE
cheese, would you ask me if I were  from  Ateneo? I don't think so. If I bought a MAROON shirt, would you ask  me  if  I were from UP? I think not. So why then, when I want to  buy a GREEN  parrot,  do  you ask me if I'm from La Salle?"
"Sir, kasi naman..."
replied the salesgirl, "this is a flower shop, eh."


                A TYPICAL CONVERSATION
Two La Sallites meet on the street and carry on a typical La
Sallite conversation:
La  Sallite  #1: If you can tell me how many chickens I have
in this bag,I will give you both of them.

La Sallite #2: Uh, two?

La Sallite #1: Daya mo! You peeked!

                             BARKADA SA HUNTING
Tatlong  magkaka-barkada:  a  La Sallite, a UP student, and an
Atenean went on a hunting trip. The first night, the guy from UP comes back to the cabin with  a  big  deer.  The others ask him how he did it, and he coolly  replies:
"I  saw  the  tracks, I followed the tracks, and  bang! I got the deer!"

The next night, the guy from Ateneo comes back also with a big
deer.
"I saw  the  tracks, I followed the tracks, and bang! I got the deer!"
was the  Atenean's story.

Therefore, the La Sallite decides to try it himself.  However,  the  next  night,  as he drags himself back to the cabin, his two
companions find him bruised and bloody all over. "What happened?"
they ask.
"Well,"  replies  the La Sallite, "I saw the tracks, I followed the
tracks, and bang! A train hit me."


                              A MURDER MYSTERY
            (To be solved solely on the basis of pure logic)
Who committed the murder?
Suspects:
      The  Humble  Atenean, The Bright La Sallite, The Innocent
Maryknoller, The Unaffected Assumptionista, The UP Graduate
Culprit:
      The UP Graduate

Logic:
      No  such  thing  as  a  Humble  Atenean  or  a Bright La
      Sallite or an Innocent Maryknoller or an Unaffected
Assumptionista.


                HOW DO YOU KNOW ONE WHEN YOU SEE ONE?
In  a  grand  ballroom  party  conducted  by the Philippine
Society of Colleges  and  Universities,  the Chairman of the Board got
curious to know what particular schools attended the big celebration. Therefore, he checked out the house where it was all happening.  Guess whom he found and where he found them?

    UP  Diliman  -  everybody was lined up to the attic to have
a fraternity ritual
    UP Los Banos - they were in the garden mowing the lawn
    UP Manila - they were into "drugs"
    Ateneo  -  they  were  inside the TV room with a microphone chanting the "BLUE EAGLE" spelling
    La Salle - they were eavesdropping
    San  Beda  -  some  were  beside  the  Ateneans whileothers were
in the bedroom with some Paulinians
    St. Paul - they thought they were with the Ateneans
    La Consolacion - they wanted to be the Paulinians
    Holy Spirit - they want the Paulinians
    Miriam - they were beside the room of the Ateneans . ..like always
    Assumption  -  they  were  inside the bathroom three hours
already since arriving
    St. Scholastica - they were next in line for the bathroom
    CEU - some were doing the dishes while others were busy
with the laundry
    St. Louis - they were in front of the air conditioner
    UE - they don't know what's an air conditioner
    UST - they were everywhere
    FEU - they were nowhere
    MLQU - sob! They were not invited
    San Sebastian - How the hell did they pass by security?
    Letran - the Security

Mapua - they were fixing the leak in the roof
     TIP - they were the ones who created the leak
     NU - they were outside the house selling cigarettes
   JRC - they were the ones buying
     Adamson - went to Luneta instead
     Sta. Isabel - they were Adamson's dates
     CRC - what the hell is this party for?
    PSBA - what the hell is CRC?
     NCBA - what the hell is PSBA?
AMA – they were parading with Jolina posters

 


                              Suicide Sandwhich
      There  were  three friends: an Atenean, a La Sallite, and a UP student (so you know this story is fictional).  Anyway, everyday, they met for lunch and ate their sandwiches.

UP:  Putek!  Peanut  butter sandwich na naman? Sawang-sawa na
ako dito ah. Pag  bukas,  peanut  butter  sandwich  na  namanang baon ko, magpapatiwakal na ako.

Ateneo:  Darn!  Roast beef sandwich again.  I am sick of this
already. If  I get another roast beef sandwich again tomorrow, I am gonna shoot myself.

La Salle:  Oh my gosh, grabe! Ham sandwich is my baon again. I am so sawa with this sandwich na, ha? If my baon tomorrow is ham sandwich again. I am gonna drive my CRV over the cliff.

      The  next  morning,  they again met for lunch, and, alas, they had the same sandwiches  again.  The UP student went back to his dorm, pulled out a belt and choked himself to death.
      The Atenean went home, got a gun, and shot himself in the head.
      The La Sallite drove his CRV off a cliff.

During their funeral, their mothers were interviewed:

UP:  Kung  sinabi niya lang sa akin na ayaw niya na nang peanut butter sandwich, eh di sana hindi na yun yung pinabaon ko sa kanya.

Ateneo:  If  he had told me that he did not want roast beef
anymore, I wouldn't have prepared him roast beef.

La  Salle: Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagpakamatay,eh siya naman yung gumagawa ng sarili niyang sandwich.


_________________________________________________
Growing old is mandatory; growing up is optional!



Posted at 08:20 pm by IPV_XIII
Comments (3)  

Tuesday, September 07, 2004
Mga kwentong Anonymous/Obscure

 

 

Tapos na ang mga problema ko bilang "freshmen", sa wakas natapos na rin ang "hunting season para sa guro at istudyante, nahanap na namin kung nasaan ang course card namin(pero mga iba naman siguro ay hindi pa), mga iba tuwang-tuwa na sila dahil natapos na ang kanilang "summer classes" (pero hindi ko na naranasan yon) at siempre hindi naman ito mawawala….

"Sa wakas! Natapos na ang iyong lumang problema, mag-sisimula muli ang iyong panibagong problema"

Ganito lagi ang nasa isip ko kada-term, "maganda na nga ang araw mo ngayon, bukas ay hindi na". Ito lagi ang pinaka numero unong problema ko sa kolehiyo, ewan ko lang sa iba.

Maganda na sana ang buhay ko sa kolehiyo kung hindi lang dumating ang "buwiset" sa buhay ko, paano ba naman hind mabubuwiset, mayroon akong problema sa schedule, mayroon din akong problema sa araw, mayroon akong problema sa aking sarili at siempre mayroon na rin akong problema sa mga guro at marami pang iba na hindi ko pa nababanggit. Kaya kung ganito ang sistema, minsan sinasabi ng aking isipan na "BUWISET TALAGA".

Buhay naman! Sabi kong ganon. Inaamin ko, ngayon lang ako nakaranas ng ganitong pangyayari sa buong buhay ko. MWF gigising ako ng maaga para umatend ng one-hour class, pagkatapos maghihintay ng limang oras para umatend naman para sa isa pang one-hour class, na ganyan din ang gagawin ko pagkatapos at pagka-tapos niyan, yan na ang uwian ko (uuwi ako ng 7:45, na ganyan din ang gagawin ko kapag T-TH, pero iba na ang schedule ko. Lang hiya! Mayroon din akong Saturday-class, pero suerte five-hour class lang at pagdating sa linggo yan lang ang pahinga ko. BUWISET

Ganito ang schedule ko ayon sa mga naalaala at sa EAF, gabi-gabi ako umuuwi, halos araw-araw akong pumapasok na para akong nag-tratrabaho sa isang kumpanya bilang isang "laborer" pero walang hiya labing-anim na taong gulang palang ako. dahilan sa ganitong problema, humingi naman ako ng tulong sa isang Guidance Councilor.

Sa Guidance Office. Pumunta nga talaga ako at pinag-usapan namin tungkol sa ganitong problema. Ganyan talaga ang buhay kapag isa ka nang tinatawag na Sophomores sa isang kolehiyo (paano pa kaya kung junior at senior ka na?), sabi saakin ng guidance councilor.

Binigyan pa ako ng mga advice na galing sa kanya na hindi ko na matandaan. Nakakatulong sa isang istudyante na may problema sa kolehiyo, pero walang kwenta para saakin.

Ngayon "officially enrolled" na ako sa isang paaralan, nag-bayad ng P42,525.00 para sa tuition fee at hindi ko na naranasan na pumila ng mahaba sa iisang bintana. Ito na siguro ang panibagong Simula ko sa kolehiyo bilang Sophomore.

Pero hindi maaalis sa aking isipan na "bakit ganito ang buhay"

 

 

 

 

Eto ako nasa paaralan, hanggang ngayon nagiisa, hindi pa nababago, nagbubuhat pa rin ng malaking bag. Hindi rin nagbago ang I.D namin na may numerong #10360859. Gusto ko lang sana palitan ang aking larawan na mukhang galing sa bilangguan o wanted criminal, kaso hindi raw pwede, kung gusto ko naman kailangan magbayad muli ng 1500.00 para sa replacement fee o renewal kung tatawagin.

Bago ako pumasok, minsan at kinakailangan na alamin at kilalanin ang aking pinapasukan, trip ko lang gawin yon para mapagkamalan akong freshmen na nawawala sa paaralan esteh sa higanteng paaralan.

Pinaghandaan ko na rin ang aking mabibigat na gamit, alam nyo na siguro kung ano ang dinala ko, notebooks, mga papel, sketch pad, yellow pad, isang plastic folder, mga signpens (kasi hindi ako sanay gumamit ng bolpen) at mga librong hiniram sa library.

Pero introduction palang yon, pinangarap ko lang gawin yon at hindi pa tayo nagsisimula, halata bang nag-de-day-dreaming ako? Napag-tripan ko lang gawin yon habang inaalaala ko pa kung ano ang aking ikalawang simula sa paaralan.

15 years na ako pumasok sa paaralan, 15 years ko na rin naranasan at magkaroon ng written exams at boring lectures at siyempre sa loob ng 15 years hindi mawawala sa kwento ang mga "lokong teacher".

Sa katunayan hindi lang naman yan ang mga nangyari saakin sa loob ng 15 taon, may mga unforgettable experience akong naranasan na hanggang ngayon ay nandito pa rin sa tabi k,o subalit pilit na kinakalimutan at mayroon din naman akong forgettable experience na sinadyang kinalimutan ko na ang lahat, subalit nanunumabalik ang lahat ng mga matinding naransan ko sa paaralan.

Ito ang aking kwento. Ito ang "the last chapter"……


Posted at 06:09 pm by IPV_XIII
Comments (2)  

Mga alaala

Hindi mawawala ang kasabihan sa isang paaralan ang "back to school". Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na ito narinig sa T.V commercials, sa School Orientations, sa mga kaibigan at sa magulang.

Buwan ng mayo ang simula ng pasukan sa kolehiyo, samantala buwan ng hunyo naman sa elementarya at haiskul, ayon sa mga naranasan ko.

Kapag naririnig ko ang salitang "back to school" eto lang siguro ang masasabi ng aking isipan. ‘"ano kaya mayroon doon?, kinakabahan na ako". Hindi rin maiiwasan ang kaba kapag ganito ang situasyon, depende kung sanay ka na talaga.

Buwan ng Mayo. Simula

Eto palagi ang pinaka magandang naranasan ko sa paaralan, "ang simula" bagong kaklase bagong bolpen, bagong paaralan, at bagong buhay, halos lahat ay bago pati na rin ang pananmit. Nagiging maganda lang ang simula, marahil siguro sa "excitement" na dito siguro ma-iinspired ang isng istudyante na pumasok sa klase, pero bukas na makalawa, hindi na siya papasok.

Umpisa ng klase nandyaan na ang pagpapakilala ng guro, ng istudyante/kaklase at siyempre nandito na rin ang walang kwentang "house rules" ng guro, na paulit-ulit na nangyayari. Pero minsan lang ito mangyari at mangyayari depende sa situasyo sa ginawang "house rules". Sa madaling salita "depende sa guro".

"House rules" Hindi ko alam kung bakit kailangan pang gawin yan ng isang guro sa iisang klase sa iisang oras. Sabi daw ng aking guro, para daw ma-controlin at ma-handle ang kanyang klase sa kanyang pag-tuturo. Sa kanyang house rules, alam kong mahigpit ang kanyang binibigay na batas [martial law (teacher’s version)], halatang kinuha at kinopya niya lang ito sa student’s handbook. Lahat na sinabi niya tungkol sa kanyang mga batas, naintindihan ko naman siya, pero iisa lang siguro ang tanong ko para sa kanya, pero hindi ko kayang sabihin, "papasa ba kami?"

pagkatapos ng "house rules" mayroon din siyang tinatawag na "freedom of speech" na ganoon din ang sinabi niya tungkol sa "house rules". Na minsan sinabi ng aking isipan na "kailangan niya pa bang gawin yan. Sa kanyang "freedom of expression" ayos lang saamin yan, democratic country naman ang pilipinas, pero para saakin ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang kanyang "house rules".

ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT…..

sa usaping house rules, eto lang siguro ang mga listahan ng mga ginawa ng aking mga guro ayon sa aking naranasan sa paaralan.

Bawal ang cheating.

Bawal ang kumopya at magpakopya.

Bawal kumain sa loob ng klase.

Bawal ang maingay habang nagsasalita ang guro.

Walang excuses sa mga umaabsent (depende).

7 absents is equal to 14 lates, beyond that "drop-out".

Lingo lingo magkakaroon ng quizzes

69.99 is not equal to 70.

Kinakailangang "be-on-time" kapag pumapasok sa klase"

Late ka na kapag lumagpas ka ng limang minuto sa klase.

Titigil ang isang guro kapag maingay ang klase.

Absent na raw ang isang istudyanteng tumambay sa labas sa loob ng 10 minuto.

Cutting klases na raw ang isang istudyanteng lumabas ng walang paalam.

Kailangan nasa proper seat.

Kung wala sa proper seat absent (kahit na nandyaan ka lang sa tabi-tabi)

Kung may tanong sa isang guro kinakailangang itaas ang kanang kamay.

Minus 10 kung nahuli kumopya.

I-silent ang cellphone/beeper.

 

Siguro hanggang dyaan na muna ako, marami pang mga batas na isinagawa ng guro na minsan kinakailangan ko nang kalimutan. Sa kanyang mga batas, minsan din gusto ko tanongin ang aking guro tungkol dito, "nasaan ba diyan ang quality of learning kung puro attendance at proper seat lang ang inaatupag?" nang tinanong ko ito sa kanya, kung ano-ano ang sinabi, iniiba-iba ang usapan, "hindi niya sineryoso ang tanong ko".

Pagkatapos ng "house rules", nandyaan na ang introduction tungkol sa grading system, habang ginagawa ito ng isang guro para na rin siyang nagtuturo ng math, lahat ng mga ginawa namin sa paaralan katulad ng seatwork, assignment, quizzes, midterms/finals, project, recitation ETC ay graded (halos lahat ay graded).

Ang passing saamin ay 70 (na kadalasan ito ay tinatawag na pasang-awa) kung bumaba bagsak. Kung mapapnsin mo lang sa itaas kanina, 69.99% is not equall to 70%. Sa isang .01% na kapiranggot na grade na yan ay hindi pa pinagbigyan ng guro sa isang istudyante para pumasa sa subject. Subalit wala naman akong nakilala sa aking mga kaklase na nagkaroon ng ganitong problema bueno lang ang honor students o deans lister.

Yan ang pinaka- ayaw ko sa lahat ang "grading system" ng paaralan/ guro.

Pagdating sa grading system, muli ko nanaman tinanong sa aking sarili. Kailangan pa bang i-measure ang talino ng tao? Kapag nakakuha ka ng 50% na grade sa iyong subject ay di ka na matalino?, kapag nakakuha ka ng 0% na grade sa subject ay bobo ka na? kapag nakakuha ka ng 100% na grade sa iyong subject ay sigurado bang matalino ka na? at kapag nakakuha ka ng 70% na grade sa iyong subject mayroon ka bang natutunan?

Ayon sa aking mga teorya, sa 0.000000000000001% ng talino ng isang tao ay marami na silang nalalaman at natutunan, masmataas pa kumpera sa 100% na grading system ng ginawa ng isang paaralan. Sa isang piranggot ng porsyentong yan, may kakahayang tayong bumasa, sumulat, matuto atbp (at mayroon ka ng idea kung ano ang gusto kong palabasin). Paano kaya kung naging 50% na ang talino ng tao? Yan ang lahat ng natutunan natin na pwede pa ito dagdagan, kung kailan natin gusto, pero mahihirapan tayo pataasin ang 50% sa 83% at hindi na imposibleng aabot ito ng 100%.

Kung tutuusin teorya lang yan, maaring tama ako at maaari din na mali ako.

Pero kahit anong gawin natin kahit na gumawa ako ng manifesto tungkol sa edukasyon, wala pa rin makakatalo sa hinayupak na grading system na yan. Minsan lang at minsan, pinili natin maging bobo kahit na ang talino natin ay kapareho ni Plato.

Umikot lang ang kwento ko sa paaralan, wala masyadong pag-babago sa napasukan kong paaralan, mahigit tatlong taon na ako dito, nandyaan nanaman ang tinatawag na frosh (freshman), mga baguhan kung tatawagin ay tranferee, hanggang sa mapunta sa "seat-in" at kung ano pa na ang makikita mo.

Simula ng klase, isa na akong tinaguriang "irregular student" o kaya’y "ireg" (para cool). Magiging maganda na sana ang araw ko kung hindi lang sana pangit ang schedule ko. Nagkataon napasama ako sa block-section AA7, ako lang siguro ang "ireg". Maingay na may halong kanchawan at landian, na hindi ko kayang ipaliwanag.

Sa klase normal lang daw ang maingay, sabi daw kaya naman daw i-handle ng isang guro ang ganitong situasyon, lalo na kung ang iyong guro ay pilosopo at maraming alam sa malalalim na salita.

Ayos lang naman ang buhay ko sa nasabing section, marami naman akong natutunan, katulad ng "masarap pala kapag maingay ang klase"

 


Posted at 06:07 pm by IPV_XIII
Make a comment  

Tuesday, August 17, 2004
Paghahanap ng Paaralan

Balik tayo sa simula. Noong simula pa lang ng aking paglalakbay sa  elementarya at sa hayskul ay medyo buwisit ang dating, kasi doon ako mahina kung ano man mga grade ko ay puro pasang-awa grabe nakaka-awa, kaya naisipan ko naman bumawi sa kolehiyo, kaya dito na ako nagsimulang magbago.

 

Alam ko naman na hindi pa ako handa sa pagiging kolehiyo marahil kasi medyo mahina pa ang aking utak dahilan sa pagkabigo ko sa nakaraang paaralan na puro summer, problematik at kung ano pa man na hindi ko na rin malaala, katunayan nga eh nagkatroma pa ako dyan sa pagpasok sa kolehiyo. Pero anong magagawa ko pinilit ako ng magulang ko tinakot pa nga ako na baka mawalan daw at mahirapan daw ako makapag hanap ng trabaho. Kaya ang sabi ko saaking sarili: bahala na kung ano man ang mangyari ay ikaw ang bahala.

 

Sa paghanap pa lang ng kolehiyo kung saan ako pwedeng makapag-aral hirap na hirap kami kasi huli na ako maka pag enroll.(katunayan eh malayo lagi ang pinupuntahan namin kaya hirap kami makahanap ng paaralan).

Nang sa katagalan ng panahon at sa konting tyaga nakahanap na kami ng paaralan lima pa nga eh una pinasukan namin yung..……(oo nga pala bawal sabihin yung pangalan pasensya na iiskip ko nalang yung kwento tungkol sa limang paaralan) halos lahat ng paaralan ay tipong I.Q test lang ang ginagamit pagkatapos nito ay interview hindi man lang ako nahiya na ako lang siguro yung taong palaging nagsasabi ng pls translate, I'm sorry, at like what. Di nagtagal pumasa ako sa tatlong paaralan yung dalawa sabi daw hindi daw sila tumatanggap ng computer course hindi ko alam kung bakit. Sa tatlong paaralan na ito una sa lahat mataas ang marka ko pangalawa mababa ang aking pananalita sa wikang inggles pangatlo mataas ang tuition fee (yung isa nga eh Dollars pa ha!) pang-apat sobrang layo sa aming tirahan at yung panglima yung pinaka paborito ko sa lahat maraming magaganda. Pag-uwi ko sa bahay pinapili ako sa dalawang paaralan (yung isa sabi ng mom ko ay wag na dyan para kang magbebenata ng bahay dollar ba naman eh!) doon sa pagpili kung saan ako magaaral pinili ko yung malinis at hindi mataas yung crime rate yan ay ang paaralang pinasukan ko yan ay may kapangalang santo at dito na nagsimula ang aking kwento.


Posted at 07:48 pm by IPV_XIII
Comment (1)  

Sunday, August 15, 2004
INTRODUCTION

Hindi ko alam kung paano saan ako magsisismula, sa aking mga naalaaala nagsimula ako pumasok sa isang paaralan na may higanteng rebulto ni birhen maria, na dito ko na naranasan ang kinder.... blah blah blah blah blah blah [ ISIPIN MO NALANG NA MAHABA ANG NAISULAT KONG KWENTO TUNGKOL SA KINDER] blah blah blah.....

Pagkataops ng kinder, hindi ko na naranasan pumasok pa sa prep, hindi kasi uso ang prep dati basta nalang ako napuntang grade one, kung saan natuto akong magdasal ng mali-mali kung saan, lagi ako napapagalitan ni Mrs Morales at Mrs ABCDE at kung minsan naging martial law ang buhay ng elementarya. nagsimula ang buhay ko sa elementarya blah blah blah blah blah [ ISIPININ MO NALANG ULIT NA MAHABA ANG ISINULAT KO TUNGKOL SA ELEMENTARYA] blah blah blah blah blah.

At sa huli napunta na ako sa haiskul. Hell ang haiskul para saakin, nandito ang kampon ni Satan, nakilala ko ang mga tanga at bobo namin magkaklase, mga subject na sobrang boring, mga walang kwentang batas na dapat namin sundin, mga lokong teachers, mga yucky juice at siyempre hindi mawawala dito ang mga creepy crawlers (oops spoiller)

Sa totoo lang marami akong Rason kung bakit nga ba Hell ang haiskul. In the pits of burning flames where darkness has arise, there in the plains of despair where many evil creatures lurking around in the Land. and that land is Highschool. Sa haiskul blah blah blah blah blah blah blah blah blah [ ISIPIN MO NALANG NA MAHABA ANG ISINULAT KO TUNGKOL SA BUHAY KO SA HAISKUL] blah blah blah blah balh ba blah blah.

Nang matapos na ang Haiskul, hindi mawawala ang graduation, kung saan marami ditong imiiiyak, mapababae man o lalake, na napakaraming dahilan. Alam kong hindi dapat ganito ang graduation, di ba dapat ang graduation ay masaya, sa totoo lang dapat nga itinuloy namin ang magtatapon dito ng graduation hat ng pataas kaso hindi na ito natuloy dahil kailangan daw at dapat college na kami para gawin iyon. Kung maiikot muli ang tanong bakit nga ba may umiiyak sa graduation, una ayon sa mga nakikita ko mahihiwalay na ang barkada, tapos sabay yakapan, pangalawa, (eto karamihan sa mga babae) isa isa nilang yakapin ang kanilang mga kaibigan tapos bigla nalang isa sa kanila maluluha at maiiyak na parang ganoon na lamang, pero bakit nga ba sila umiiyak, pang-apat yung isa naman umiiyak ng walang rason, sabi raw masaya siya sa kanyang kapatid na nakatapos ng pag-aaral blah blah blah. at ang ika-lima, eto ang paborito ko kadalasan at karamihan sa mga matatalinong istudyante ang nangyayari, umiiyak sila na walang dalang diploma, dahil hindi sila maggragraduate, sila ay mag-rerepeat uli ng 4th year mwhaaaaa (Good for you)

nang nakaalis na ako sa graduation, muli ko nanaman ibabalik ang adventures ko sa paghahanap ng kollehiyo,

Posted at 11:53 pm by IPV_XIII
Comment (1)  

Simula ng mga kwentong Anonymous

"WHY YOU WANT TO STUDY IN THIS SCHOOL"

 

School is an institution that molds and educates people. I herd that your school has good quality of education, I was convinced to study in your school because, courses you offer suites on my chosen career. I believe also that education in your school has high tech facility and highly recommended standard in teaching to the learners. I know that your institution would give the best quality of education; I am looking for as I want to achieve my goals and aspiration that’s why, I chose this school. I believe also that your institution gives me the best education and able to meet the needs and services in staying in your school.

In this strong faith that your school is peaceful and orderly, the good quality removes my doubt to study in your school, I’m happy and proud to say that I want to study in your school.

 

Sincerely yours

IPV XIII


Posted at 10:32 pm by IPV_XIII
Make a comment  

Previous Page







MGA KWENTONG ANONYMOUS


AUTHOR


IPV_XIII

ABOUT THE BLOG

Ito ay ang Kwentong Anonymous, kapit bahay ng Kwentong Unknown, ito ay tungkol sa Edukasyon na naranasan at naintindihan ko mula sa paaralan hanggang sa DECS

ABOUT THE AUTHOR

Si IPV_XIII ay isang istudyante at hindi pa nagragraduate sa nasabing paaralan, kunwari importante ang nakasulat. Mahilig siyang gumawa ng mga extra cullicular (tama ba spelling) activities kagaya ng Raket.

Favorites

Paborito kong gawin ay matulog at kumain, dahil yan ang nagpapabuhay saakin.

   

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30




Sa mga hindi pa nakakaalam. Ang kwentong Anonymous ay tungkol sa paaralan, istudyante at guro, na nagsisismula sa kinder, elementarya, haiskul at hanggang mapunta sa kollehiyo. Pero sa webpage na ito ay tungkol sa Pang-kollehiyo lang muna dahil higpit na ipinagbabawal ng aking relihyon.

*******
Ang sino man kumopya ng mga nakasulat dito, Pangit.... mabulag ka sana

Lahat ng mga bagay na makikita o mababasa mo dito ay nanggaling talaga saakin maliban lang yun blogsite at sa mga sinulat kong hindi akin, sa madaling salita inaangkin ko lang yung blogsite

******

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed