Entry: Angelus Sunday, March 06, 2005



Hanggang ngayon galit pa rin ako sa dasal na tinatawag na angelus. isipin mo kapag dumadating na ang 12:00nn at 7:00pm kinakailangan namin tumayo, tumigil at maghintay para idasal ang angelus kahit na karamihan sa iba ay hindi katoliko.

Ito siguro ang Mcdonaldized prayer na naranasan ko, pero kung iisipin mo man din, wala naman isa sa mga kilala kong katoliko ang nagdadasal ng angelous sa kollehiyo. Di ko alam kung sino ang gumawa sa angelus, pero ipapaalaala ko lang sa mga kristiyano na ang dasal ay para sa tao at hindi ang tao para sa dasal, may karapatan din naman ang tao lumabag sa dasal kung gusto nila.

Alalahanin kung si kristo nilabag ang batas na walang kwenta sa mga Jews, pwede ko rin bang ilabag ang dasal na tinatawag na Angelu? 

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments